Juan Karlos Labajo - Di Ka Man Lang Nagpaalam Lyrics

FOLLOW US, THANK YOU :)

Lyrics:
Umalis ka na pala
Iniwan mo akong nag-iisa
Lahat nama'y tila ba maayos mula sa umpisa
Masaya ang bawat sandaling kasama kita
Ngunit biglang isang umaga
Paggising ko'y wala ka na
Naglaho kang parang bula
Hindi alam kung bakit lumisan ka
Nag-iisip ng malalim kung anong nangyari satin
Nababahala, baka di ka na bumalik sa aking piling
Dahil ikaw
Ang syang kailangan ko
Magpakailan pa man
Asahan mong pag-ibig ko'y
Di magbabago pinapangakong
Maghihintay sayo
Napatulala
Inaalala ang ating nakaraan
Binabalik balikan ang dating tagpuan Baka sakaling naron ka't
Naghihintay, Nalulumbay
Kasabay nang pagbuhos ng ulan
Pagpatak ng luha'y hindi mapigilan
Kailan kaya kita muling masisilayan
Dahil ikaw
Ang syang kailangan ko
Magpakailan pa man
Asahan mong pag-ibig ko'y
Di magbabago pinapangakong
Maghihintay sayo
At sandaling tumigil ang mundo ng malaman ko ang totoo
Na hindi ka na babalik sa piling ko
Dahil ikaw
Ang syang kailangan ko
Magpakailan pa man
Asahan mong pag-ibig ko'y
Di magbabago pinapangakong
Maghihintay sayo