Wala naman po talagang magagawa sa ngayon ang Presidente. Gustuhin man niyang bigyan ng prangkisa, sa Saligang Batas po, talagang Kongreso lang ang magbibigay ng prangkisa.<br /><br />Kung ang Presidente po ay maghihimasok, it is a form of graft po because hindi po pupuwedeng iniimpluwensiyahan ng kahit sinuman ang desisyon ng mga quasi-judicial at judicial bodies.<br /><br />Well, malinaw naman po iyan, independiente at co-equal branch of government ang Kongreso, ayaw naman niyan diktahan. It’s enough that he has cleared the air, he is now neutral as far as the franchise of ABS-CBN is concerned.
