Quirino grandstand, maaaring gamitin bilang venue para sa grand send off ng mga Locally Stranded Individual sa July 4 at 5.<br /><br />Nasa 9,000 na LSI ang nakatakdang maihatid sa probinsya sa loob ng dalawang araw.<br /><br />Katuwang din dito ang iba't ibang ahensiya ng gobyerno upang mapanatili ang social distancing at maisailalim rin sa rapid testing ang kabuuang bilang bago makauwi ng probinsya.
