Kumikita si Jayson Plaza ng mula PHP80,000 hanggang PHP90,000 kada buwan.

Bago magpandemya.

Isang acoustic singer si Jayson na dating pumupuwesto sa mga bar, resto, at hotel sa Boracay.

Bukod sa talent fee niya, kumikita rin siya sa tips mula sa mga nanonood sa kanyang foreigners.

Pero mula nga nang mangyari ang COVID-19 crisis, nawala ang mga turista, nawala ang mga foreigner, at tuluyang nawalan ng raket si Jayson dahil nagsara ang mga pinupuwestuhan niyang bars, restos, at hotels sa Boracay.

Dahil dito, nagdesisyon siyang umuwi muna sa hometown niyang President Roxas,Capiz, at doon kasama ang kanyang pamilya, sinubukan nilang mag-survive kung ano lang ang meron sila at kung ano lang ang ibibigay sa kanila.

Hanggang sa niyaya siya ng isa niyang kaibigan na gumawa ng Facebook page at subukan ang "online busking."

Dahil sa online busking, nakakita ng bagong pagkakakitaan si Jayson.

At bukod sa pagkita para sa kanyang pamilya, nabibigyan niya rin ng kasiyahan ang mga nanonood sa kanya at kumukuha ng kanyang serbisyo.

Hindi man kasing-laki ng dati niyang kinikita ang nakukuha niya mula sa mga nanonood ng kanyang online busking, nakakaraos naman sila ng kanyang pamilya sa pang-araw-araw nilang pangangailangan dahil dito.

At online lang ang lahat nang ito!

Paano siya kumikita?

Panoorin ang video na ito para sa detalye at ma-inspire!

#OGAcousticSingerOnlineBusking #DiskartengPinoy #SummitOriginals

Video Producer and Editor: John Henri Mariano

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber