PANOORIN: Isa ang Barangay 256 sa 13 barangay at dalawang lugar sa Maynila na isinailalim sa apat na araw na lockdown simula noong Lunes at magtatapos mamayang 11:59 p.m.<br /><br />Ayon kay Barangay Chairman Ramon Perez, maayos ang naging pagpapatupad ng lockdown sa kanilang lugar dahil sumusunod ang mga residente. <br /><br />Malaking tulong din aniya ang executive order na nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno sa tulad nilang mga nasa ground kung saan maaari ng magdeklara ng lockdown sa kani-kanilang mga barangay ang mga kapitan kung may 10 o higit pang active COVID-19 cases sa lugar.
