Kailan nga ba ang tamang edad bago magpakasal?

Sa edad na 12, walang nagawa si Andrea kundi magpakasal sa isang 14-anyos na lalaki dahil sa hirap ng buhay.

“Pumayag din ako magpakasal dahil sa hirap ng buhay. Akala ko makaaahon na kami pero hindi pala.”

Imbes daw na ginhawa, pang-aabuso ang sinapit ni “Andrea” sa kanyang asawa.

Gaano nga ba kahanda ang mga batang ikinakasal sa papasuking resposibilidad bilang asawa’t magulang? Panoorin ‘yan sa kuwento ng ilang child bride sa Pilipinas.