Sanib?

Apat na residente umano sa Mangaldan, Pangasinan ang sinapian ng masamang ispiritu. Ayon sa isang residente, nakita niya mismo na lumulutang daw ang isa sa mga sinapian!

Pero ayon sa Simbahang Katolika, hindi pa kumpirmadong paranormal nga ang nangyari. Posible rin daw na dulot ng stress ng pandemya ang nangyari, ayon sa isang psychologist.

Ang kababalaghang naranasan doon ng mga residente, silipin sa video.