Ngayong Eleksyon 2022, inihahandog ng GMA Network ang interactive eleksyon 2022 website (www.ELEKSYON2022.ph), upang tulungang mabantayan ang resulta ng botohan. <br /><br />Sa "Live Results" tab ng website, maaaring i-check kung sinong kandidato ang nangunguna sa resulta ng botohan sa national at local levels. Makikita rin dito ang detalyadong bilang ng mga boto sa bawat voting precinct sa bansa. <br /><br />Gamit naman ang "Smart Search" ng website, i-type ang pangalan ng kandidato upang makita ang kanyang posisyon sa resulta ng eleksyon. Puwede ring hanapin dito ang inyong probinsya, lungsod o bayan para maging updated sa resulta.