Hindi biro ang hinarap ng administrasyon Duterte, lalo na nang maranasan natin ang epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya at kalusugan ng mga mamamayan.<br /><br />Sa pagtatapos ng administrasyon, may mga isyung hindi pa rin nareresolba. Ilan sa mga ito ang pag-imbestiga sa umano'y maanomalyang transaksyon ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation at ang tuluyan nating pagbangon sa epekto ng pandemya.<br /><br />Ano kaya ang magiging pagtatapos ng mga usaping ito? Panoorin ang panayam ng The Mangahas Interviews kay outgoing Health Secretary Francisco Duque III.