Pabor ka bang gawing optional ang pagsusuot ng face mask sa labas at ‘di mataong mga lugar?<br /><br />Sa rekomendasyon ng IATF sa Malacañang, iminumungkahi nilang gawing voluntary ang pagsusuot ng face mask sa open spaces o non-crowded outdoor areas. Pero ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, dapat tumaas muna ang porsyento ng mga nakakuha ng COVID-19 booster. <br /><br />Sa kasalukuyan, 18.1 milyon pa lang ng 72.6 milyong fully vaccinated individual ang nakakuha na ng booster shot. Panoorin ang buong detalye sa video.
