Aminado ang LTFRB na hindi na nila kayang magbigay ng 24 oras na libreng sakay sa mga bus.

Sinabi 'yan ng ahensiya matapos ireklamo ng ilang commuter ang paghihintay ng mga bus sa EDSA Carousel nang hanggang pasado 11 ng gabi para makasingil ng pamasahe.

Pagod na nga raw sila sa trabaho, ginagabi at naaaberya pa sa pila.

Ang kanilang kalbaryo, tunghayan sa video!