Buhay ang nakataya sa kanyang paninindigang mapangalaan ang kalikasan. Tulad ni Roberto Ballon o Ka-Dodoy, ilang beses nang nanganib ang kanyang buhay nang minsang paputukan habang rumoronda sa dagat para bantayan ang mga nanganganib na bakawan.

Tuloy rin ang laban ng mga ranger sa Masungi Georeserve kahit ilang beses silang makaranas ng intimidasyon sa mga grupong may balak pasukin at gambalain ang lugar na kanilang pinoprotektahan.

Ang mga sakripisyong ito, hindi nabalewala dahil sa mga pangyayaring nagbigay pag-asa sa mga komunidad na kumilos din para sa kalikasan.

Anu-ano kaya ang mga naging magandang bunga ng mga pagkilos at sakripisyong ito para sa kalikasan? Panoorin ang buong detalye sa special report na ito.

‘Stand for Truth’ is a daily digital newscast that focuses on data-driven reports for the millennial audience. Watch it weeknights on GMA Public Affairs' YouTube channel.