Ngayong Lunes, muling susubukan ng Zhang family na pigilan ang mga taong tumutulong kay Rose sa paghahanap sa kanyang anak.
Samantala, may tiyansa bang magkatagpo muli sina Renz at Rose?
Abangan ang mga kapana-panabik na tagpo sa biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na pinamagatang 'Unbreak My Heart,' mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.