"Sabi nga kapag binigay ‘yan ni Lord sayo, so kaya mo ‘yan. So ‘yun talaga motto ko sa life. Iiyak lang ako, pahinga lang ako saglit, bukas laban na naman."<br /><br />Pampito sa sampung magkakapatid ang gurong si Danieca Goc-ong o mas kilala sa social media na si Teacher DanVibes. Dahil siya lang ang nakapagtapos ng pag-aaral sa kanilang magkakapatid, inako niya ang responsibilidad ng pagiging breadwinner sa kanilang pamilya.<br /><br />May oras pa kaya magka-love life ang breadwinner na katulad niya? Alamin sa kwentuhan nila ni Doc Anna sa #ShareKoLang!
