Lalaking kumupkop sa pamilyang nawalan ng tirahan, pinagkatiwalaan at itinuring na pamilya ng mag-asawang “Linda” at “Sam.” Pero sa kabila ng masayang salo-salo sa iisang bubong, may lihim na balak pala ito sa panganay nilang anak na 15 taong gulang.

Dahil ang suspek, walang-awang hinalay umano ang menor de edad sa loob mismo ng kanilang bahay. Ang panggagahasa, hindi lang daw isang beses nangyari.

Samantala, huli sa CCTV footage ang ginawang pananakit sa isang binatilyo ng mga kapwa menor de edad na lalaki. Pero ang mga nanakit sa biktima, napag-alamang dati pala niyang katropa!

Mapanagot kaya ang mga may sala? Panoorin ang buong kuwento sa video.