Ngayong Miyerkules, mabubunyag na ang kasamaan ni Christina.

May magawa pa kaya sina Alex/Xandra at Matt upang mabawi si Rose mula kay Renz?

May paghilom nga ba sa dulo ng kwento nina Renz, Alex, Matt, at Rose?

Huwag palampasin ang mga tagpo sa natitirang dalawang gabi ng 'Unbreak My Heart.'

Mapapanood ang serye mamaya sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.