PANOORIN: Sa programang Mike Abe Live noong Biyernes, January 5, nagpaalala ang PNP sa publiko na mag-ingat at maging responsable sa pag-post at pag-share ng unverified information sa social media accounts, kasunod ng isang viral video hinggil sa umano’y planong destabilisasyon ng AFP at PNP sa pamahalaan. <br /><br />Inatasan naman ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. ang Anti-Cybercrime Group na tugisin ang nasa likod ng naturang isyu.<br />