Itinanggi na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon siya ng 'gentleman’s agreement' sa China pero inamin niyang pinag-usapan nila ang status quo order sa West Philippine Sea.

Ayon naman kay International Studies Professor Renato De Castro, bahagi raw ng appeasement policy ni dating Pangulong Duterte ang umano'y 'gentleman's agreement' na pananatilihin ang status quo sa pinag-aagawang teritoryo.

Ano nga ba ang implikasyon ng sinasabing ‘gentleman’s agreement’ sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea?

Sasagutin iyan ni Prof. Renato De Castro sa The Mangahas Interviews.