Nitong mga nakaraang buwan, kabi-kabila ang isinagawang raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kasama ang iba pang awtoridad sa iba’t ibang illegal na POGO hubs sa bansa kabilang na ang sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

Dito, tumambad ang mga illegal na gawain gaya ng kidnapping, human trafficking, at torture.

Ayon kay PAOCC Usec. Gilbert Cruz, posibleng napag-aralan ng mga illegal na POGO ang kahinaan ng ating regulatory agencies kaya nakalusot ang mga ito sa bansa.

Ang update sa mga isinasagawang raid at imbestigasyon sa mga illegal POGO hub, pakinggan sa panayam kay PAOCC Usec. Gilbert Cruz dito sa #TheMangahasInterviews.