Nung 1970s, isa sa mga may pinakamagandang mukha sa lokal na showbiz ang model-turned-actress na si Marianne Dela Riva.

Gabi-gabi ay inaabangan ng kanyang mga tagahanga ang drama series na kinabibilangan niya noon na Gulong ng Palad, kunsaan, kapareha niya ang napangasawang si Ronald Corveau.

Ngunit katulad ng iba pang mga nabubuhay sa daigdig ng showbiz, hindi nakaiwas sa intriga't kontrobersiya sina Marianne at Ronald. Matapos biyayaan ng dalawang anak na babae, nagdesisyon silang maghiwalay.

Masasabi ring si Marianne ang paboritong leading lady noon ng "Hari ng Pelikulang Pilipino" na si Fernando Poe Jr. o FPJ dahil hindi lang isa o dalawang beses silang nagtambal sa pelikula.

Kabilang sa mga pinagsamahan nila ay ang Alakdang Gubat (1976), Tutubing Kalabaw Tutubing Karayom" (1977), Bandido Sa Sapang Bato (1981), Isang Bala Ka Lang (1983), Ang Panday IV (1984), at Mabuting Kaibigan Masamang Kaaway (1991).

Huling proyektong ginawa ni Marianne ay ang remake ng Ang Panday nung 2005 para sa telebisyon.

Pagkatapos niyon ay nakilala niya ang kanyang kasalukuyang mister na si Dr. Oscar T. Ortiz. Nagpakasal sila ng sumunod na taon.

Nakausap ng isa sa PEP Troika na si Noel Ferrer si Marianne matapos nitong manood ng concert ni Odette Quesada kunsaan isa si Noel producers.

Ikinuwento ni Noel sa kapwa Troika niyang sina Jerry Olea at Gorgy Rula ang naging encounter niya sa dating aktres.

Samantala, may hatid na iba pang balitang showbiz sina Jerry at Gorgy. Hindi rin siyempre mawawala ang baon nilang blind item para sa episode na ito ng Troika Talk.

#mairannedelariva #peptroika #troikatalk

Hosts: Jerry Olea, Noel Ferrer, Gorgy Rula
Executive Producer: Karen AP Caliwara
Video & Editing: Rommel Llanes
Music: "Night Shifter" by Odonis Odonis

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv

Read the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Watch more videos at https://www.pep.ph/videos

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Kumu: pep.ph

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts