Nagsasagawa ng magkahiwalay na imbestigasyon ang Senado at Kamara kaugnay sa umano’y mga naganap na extrajudicial killings o EJK sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Noong October 28, dumalo si dating Pangulong Duterte sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee para umano mag-accounting sa kampanya kontra droga sa ilalim ng kanyang administrasyon. <br /><br />Ayon kay Atty. Kristina Conti, malaking tulong ang quad comm dahil nauungkat ang maraming ebidensya at lumalabas ang maraming testigo laban sa madugong pagpapatupad ng war on drugs. <br /><br />Ang estado ng imbestigasyon at inaasahang patutunguhan nito, sasagutin ni ICC Assistant to Counsel, Atty. Kristina Conti sa #TheMangahasInterviews.
