Aired (February 22, 2025): #ReportersNotebook Election Series - HAMON SA KANDIDATO: DUGTONG BUHAY

Sa survey ng Social Weather Stations o SWS, kabilang ang pagpapalakas sa health care system ng bansa sa mga isyung kinukonsidera ng mga botante para sa kanilang pagboto sa darating na #Eleksyon2025.

Katulad na lang ng mag-inang sina Vilma at Jean Rose na nagpapalipat-lipat sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para makahingi ng tulong para sa kanilang malubhang sakit. Na-diagnose kasi si Vilma na may cancer habang may stage 5 chronic kidney disease o CKD ang kanyang anak.

Samantala, mahigit isang milyon na ang hospital bill ng 4-anyos na si Carl Cajayon na nakikipaglaban sa infantile nephrotic syndrome o isang rare kidney disorder. Dahil dito, pahirapan kung paano nila ito mababayaran.

Ngayong darating na midterm elections, ano ang plataporma ng mga tumatakbong kandidato para matulungan ang mga tulad nila at marami pang Pilipino?

#Reporter’sNotebook #Reporter’sNotebookElectionSeries