Aired (July 5, 2025): Si Lola Virginia, araw-araw na binubuhat, isinasakay sa wheelchair at hinahatid sa eskuwelahan ang apong si Paolo na may cerebral palsy. Ganito niya ipinapakita ang suporta para makapamuhay gaya ng ibang bata ang kanyang pinakamamahal na apo. Samantala, isang mister naman ang literal na minina at hinulma ang wedding ring para sa pangarap na church wedding ng kanyang misis. Ito ay tanda raw ng kanyang wagas na pagmamahal sa asawa na mayroong hypothyroidism. Panoorin ang video. #GoodNews <br /><br />
