Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, August 22, 2025

-PAGASA: LPA sa bandang Aurora, lumakas bilang Bagyong Isang; masamang panahon, ramdam sa Luzon kabilang sa Metro Manila

-Ilang bahagi ng Maynila pati ang loob ng Manila City Hall, binaha

-PAGASA: Tropical Depression Isang, inaasahang tatawirin ang mainland Luzon sa mga susunod na oras

-Ilang klase sa eskwela, suspendido ngayong araw dahil sa masamang panahon

-Delivery rider ng online jewelry shop na nagkunwaring na-holdap, arestado/ QCPD: Suspek, inamin na naitalo niya sa sabong ang P326,000 na ire-remit dapat niya sa kompanya

-Oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo

-2 lalaking tumakas sa buy-bust operation, patay nang makipagbarilan sa mga pulis sa checkpoint

-Lalaki, nahulihan ng P130,000 halaga ng umano'y shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Sadsadan

-Ilang lugar sa Mandaluyong, binaha kasunod ng malakas na pag-ulan; traffic rerouting, ipinatutupad

-Sen. Pangilinan sa gitna ng kontrobersyal na flood control projects: Bakit hindi pa nagre-resign ang DPWH Secretary?/
Sen. Gatchalian: Dapat kusang mag-resign si DPWH Sec. Bonoan bilang delicadez/ Sen. Estrada: Command responsibility ni Sec. Bonoan ang mga problema sa DPWH/ Kamanggagawa Party-list Rep. San Fernando kay DPWH Sec. Bonoan: Kung may kaunti ka pang hiya, bumaba ka na sa pwesto/ Ex-DPWH Sec. Rogelio Singson, inaming may "padulas" sa district level/ Ex-DPWH Sec. Singson: May iniwang P351B flood control masterplan ang PNoy Administration/ Malacañang, wala raw natanggap na flood control masterplan mula sa nakaraang administrasyon/ Ex-DPWH Sec. Singson sa Kongreso: Puwede bang time-out muna sa greed? Mahiya naman kayo

-SUV at motorsiklo, nagbanggaan sa intersection

-Ilang bahagi ng Mindanao, binaha dahil sa matinding ulan/ Puno, nabuwal; 2 bahay at 1 tindahan, nabagsakan/ Mga motorista, ilang oras stranded dahil sa landslide

-Pagiging bahain kahit may pumping station at riverwall sa Brgy. Veinte Reales, daing ng ilan/ Mayor Gatchalian: Mas mataas ang high tide at mas marami ang ulan kaya bumabaha/ DPWH -NCR: Mas mabilis nang humupa ang baha at may mga 'di na binabaha dahil sa flood control

-"Green Bones," featured bilang opening film sa 5th Hundred Islands Film Festival sa August 26/ "Green Bones," movie treat sa 311 PDL na nagtapos sa alternative learing system; donated props ng pelikula, ginagamit na ng mga senior citizen PDL

-Harap ng tanggapan ng Senado sa Pasay, binaha; mga nagkilos-protesta ukol sa flood control projects, nagpatuloy/ Gutter-deep na baha, naranasan sa ilang kalsada sa Maynila; daloy ng trapiko, apektado

-AFP: Bangka ng China Coast Guard na nagtangkang lumapit sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, naharang ng 2 rubber boat ng Pilipinas

-Lalaki, pumasok sa isang kuwarto sa apartment building at tinangay ang isang cellphone at wallet

-INTERVIEW: ROGELIO SINGSON
DATING DPWH SECRETARY

-Dept. of Agriculture: P20/kg bigas, mabibili na rin ng mga magsasaka