Surprise Me!

Balitanghali Express: September 5, 2025

2025-09-05 1,412 Dailymotion

Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, September 5, 2025

-PAGASA: Low Pressure Area, namuo sa West Phl Sea; may tsansang maging Bagyong Lannie

-Malakas na ulan, naranasan sa ilang lugar sa NCR dahil sa local thunderstorm at Habagat

-Biyahe ng ilang motorista, apektado dahil sa binahang kalsada

-Klase mamayang hapon sa ilang lugar sa bansa, suspendido dahil sa masamang panahon

-Dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, hinatulang guilty ng DPWH sa mga kasong administratibo

-Iba't ibang grupo, nagsagawa ng kilos-protesta sa tapat ng gusali ng St. Gerrard Construction

-28 luxury vehicles ng Pamilya Discaya, nasa kustodiya na ng Bureau of Customs

-Oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo

-Estudyante, sugatan matapos mabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa pedestrian lane

-Lalaking nagpapanggap umanong PDEA agent, arestado

-2 lalaki, natabunan ng gumuhong lupa; 1, natagpuang patay

-Larawan ng nasusunog na truck na itinimbre at nirespondehan ng mga bombero, peke pala

-Ilang raliyistang tumutuligsa sa maanomalyang flood control projects, nagkilos-protesta sa tanggapan ng DPWH

-House Spokesperson Abante: Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, nasa Amerika para magpagamot

-DPWH-CamSur 5th District Engineering Office: Patuloy na ginagawa ang flood control project sa Brgy. San Francisco na nasira dahil sa masamang panahon

-Rochelle Pangilinan at Klea Pineda, kabilang sa cast ng mga pelikulang kalahok sa 2025 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival

-Phl Statistics Authority: 1.5% ang inflation rate nitong Agosto, pinakamabilis sa loob ng 5 buwan

-Driver ng truck, patay matapos masagasaan ng isa pang truck

-Lalaki, pumasok sa loob ng tindahan at dinampot ang wallet

-DOH: P450B kada taon ang kailangan para maipatupad nang todo ang Universal Health Care

-INTERVIEW: SEN. ERWIN TULFO, VICE CHAIRPERSON, SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

-Construction worker, patay matapos saksakin ng kanyang nakainumang katrabaho

-Rumespondeng pulis, nasaksak sa mata ng inaarestong suspek

-Baha na may putik, rumagasa sa Los Cabos

-2026 Budget ng DPWH, tinalakay ng House Committee on Appropriations

-Ph Tennis player Alex Eala, pasok sa semifinals ng Guadalajara 125 Open

-INTERVIEW: BENISON ESTAREJA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA

-Pilipinas, pang-114 sa 180 mga bansa sa 2024 Corruption Perceptions Index

-Parusang death penalty para sa kasong plunder, isinusulong sa Senado

-FDA: Mga senior citizen, puwede nang makapag-avail ng 20% discount sa mga gamot at medical devices kahit walang booklet

-Martin Del Rosario, nagpaturo ng macho dancing para sa kanyang role sa "Magpakailanman

-CBB: Yellow Rainfall Warning, itinaas sa ilang bahagi ng Central Luzon

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Buy Now on CodeCanyon