Aired (October 4, 2025): Usap-usapan ngayon ang isang lola dahil sa kanyang viral videos na pang-Gen Z ang atake! Sumasayaw, nagli-lip sync at umaawra ang 85-years old na lola na para bang 18 years old lang siya. Samantala, isang binata naman ang tila nag-time travel nang makita ang sarili sa online map service na Google Maps ng taong 2021 at 2024. Sa larawang kuha noong 2021, makikita siya na determinadong nag-o-online class sa waiting shed. Sa kuha naman noong 2024, makikita sa lugar ang kanyang tarpaulin na may nakasulat na "Congratulations, Engineer." Panoorin ang buong episode! #GoodNews <br /><br />
