OFW sa South Korea si Aida (Jennica Garcia) habang negosyante naman ang asawa nitong si Frank (Victor Silayan) sa Pilipinas. Dahil sa sakit ni Aida ay napagdesisyunan niyang umuwi na sa Pilipinas. Lingid sa kanyang kaalaman na bukod sa inililihim niyang sakit ay may sikreto rin pala si Frank sa kanya, ang pagkakaroon ng isa pang misis at anak! Sino kaya ang tunay na legal wife ni Frank? Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kuwento ng 'Tadhana: Tunay na Misis Solis,' ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs’ Facebook and YouTube livestream.<br /><br />
