Pabigat at dagdag-gastos daw para sa mga biyahero ang travel tax na ipinapataw sa mga lumalabas ng Pilipinas.

Isang panukala ang inihain sa Kamara para ma-abolish ang travel tax. Pero giit ng Department of Tourism, kailangan ng travel tax para mapondohan ang mga proyekto at programang nagpapalago sa ating turismo.

Para saan nga ba ang travel tax? At saan puwedeng kunin ang pondo kung hindi ito sisingilin sa mga biyahero? Alamin sa video.