Nagtungo sa Malacañang ang 29 na gobernador noong February 19 para talakayin kasama ang mga opisyal ng Palasyo ang detalye ng pagpapatupad ng mga proyekto para sa mga local government unit ngayong taon sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF).<br /><br />Bago nito, ilang mambabatas ang pumuna sa LGSF dahil nagagamit umano ito para ikubli ang pork sa budget ng gobyerno, bagay na itinanggi naman ng Malacañang.<br /><br />Pero ano nga ba ang Local Government Support Fund? Alamin ‘yan sa video na ito.
