Surprise Me!

NASAAN SI BATO? Timeline ng huling mga oras niya sa Senado | GMA News Feed

2026-05-14 683 Dailymotion

2:30AM ng May 14, nakaalis umano ng Senado si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa.

Batay sa dokumentong nakuha ng GMA News, sinabi lang umano ni Dela Rosa sa kanyang protective personnel na pupunta siya sa restroom.

Pero dumiretso siya sa fire exit at kinatagpo umano niya sa 4th floor si Sen. Robin Padilla.

Sabay silang nagtungo sa basement kung saan naghihintay ang isang SUV.

Si Padilla raw mismo ang nagmaneho sa sasakyang lulan si Dela Rosa at isa pang staff member.

Ayon sa dokumento, pinigilan umano sila ng senate security pero humarurot ang SUV.

Pero batay sa nakuhanang video ng GMA News, maayos na nakalabas ng senate compound ang kanilang convoy at hindi nagkaroon ng tensyon.

Ang mga pangyayari bago nakumpirmang nakalabas ng senado si Dela Rosa, panoorin sa video.

Buy Now on CodeCanyon