Thai Junta, hindi pala fan ni Katniss Everdeen ng Hunger Games!

Sigurado kaming naaalala niyo ang nakaka-touch na eksenang ito mula sa Hunger Games: Catching Fire, kung saan nangako si Katniss Everdeen patuloy siyang lalaban, matapos mamatay ang kanyang kaibigan.

Ang three-finger salute ay naging isang simbolo ngayon, para sa mga nasa Thailand, na hindi natutuwa sa military takeover ng gobyerno itong nakaraang summer, matapos ang iilang buwang pag-protesta.

Itong linggo, may limang estudyante ang hindi na ma-take ang speech ng Prime Minister na si Prayut Chan-O Cha, sa Khon Khan.

Mabilis silang napa-detain ng Prime Minister, at maaring nadala sila sa isang military camp para sa “re-education.” Mmm-hmmm!

Alam niyo ba na ang pagsagawa ng mga outdoor picnics, habang nagbabasa ng popular literature ay “deeply frowned upon” sa Thailand?

Ayon sa military, gusto lang nilang maging masaya ang mga tao sa Thailand.

Ire-re-educate kaya nila ang mga Girl Scouts? May sarili din silang saludo, at may mga cookies pa sila! Danger!!!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH