Surprise Me!

Inner Whispers - ! ! MAHAL KITA...ALAM MO BA?

2014-11-10 3 Dailymotion

Pakiramdam ko'ng kakaiba, hindi ko maipaliwanag talaga
Sa bawat araw at gabi ikaw ang inaasam, sinta
Paggising sa umaga, malamig na pawis sa katawang nagbabaga,
Sa pagmamahal mo'ng tunay ako ay nangungulila...

Nais ko'ng maramdaman dampi ng iyong halik
Maiinit na yakap sa aking pagbabalik,
Maransan mo'ng tunay pag-ibig ko'ng naghihimagsik
Wala ng iba'ng nais pa'ng makatabi at makatlik...

Ang palahaw ng nangungulila ko'ng puso, nais ko'ng malaman mo
Pananabik sa araw na ika'y makaniig ko,
Maramdaman ang bawat haplos ng pagmamahal mo
At marinig ang usal ng pag-ibig na nasa puso mo...

Mahal ko, pakinggan mo...
Hindi ko nais maramdaman ito
Subalit bulong mo na pumupukaw sa tatag ng loob ko
Ipinagkakanulo ako ng pagnanasang ikaw ang pangarap ko!

Pangarap kita sa duyan ng pagnanasa
Binabalot ang pagkatao ko ng pananabik na makasama ka,
Hangad ko'y iparamdam sa'yo ang dakila'ng pagsinta
Walang hanggang pagmamahal, habang-buhay, mamahalin kita!

Inner Whispers

http://www.poemhunter.com/poem/mahal-kita-alam-mo-ba/

Buy Now on CodeCanyon